Ang Brat Kong Girlfriend…
April 8th, 2007 by jabAkala mo kasi natutuwa ako ng bigay nalang ng bigay sayo… Akala mo kasi OK lang sakin na pinagbibigyan ka nalang palagi. Ang hindi mo alam eh madalas, pag nagbibigay ako sayo at pinagbibigyan ka eh may mga saloobin din akong sakin ko nalang tinatago. Eto nalang yung mga bagay na maiiwan sakin at di ko ibibigay sayo.
Lumuhod ako sayo, umuwi jan ako at nilagyan ka ng singsing sa daliri para hingin ang kaligayahan na makasama ka habambuhay. Hindi ko naman alam na kakailanganin na maging ganito pala ang sitwasyon.
Eto, may nag aantay na bagong cellphone, bagong bag at bagong kwintas dito para sayo… kung pagsasama samahin ko lahat to at bibilangin kung magkano ang presyo nila. Nakupo, baka malula ang magulang natin. Di ko pa binibilang ang daan daan dollares na ginugugol ko para lang makausap ka araw araw ha. Wala pa yun!
Pag nagrereklamo ka tungkol sa isang bagay na wala namang pinanggalingan at patutunguhan eh pinapatulan kita. Kinakailangan kong mag sorry sa bagay na wala naman akong kamalay malay na makikitaan mo ng dahilan upang magsimula kang magpiket jan ng mag isa.
Hay naku Mads… Eto na yung mga nasasaloobin ko.
Ang hindi mo alam eh masaya ako na napapaligaya kita. Yung pagbili ng mga materyal na bagay ay hindi tungkol sa mga materyal na bagay mismo. Yun ay para maramdaman mo na espesyal ka. Makikita mo sa pagbigay ko sayo ng regalo na ikaw ang nasa isip ko, ikaw ang dahilan kung bakit nagtatrabaho ako ng malupit. Oo, ok lang na pinagbibigyan kitang palagi. Sa totoo lang, gusto ko ngang nakukuha mo yung mga gusto mo eh. Materyal man or otherwise. Kahit na ba sa isang diskusyon lang yun, kahit na ba lamang na ako at dehado ka, pinapanalo pa din kita. OK lang sakin mag sorry… kasi alam mo? Masaya ako na napapasaya kita. (Madami din namang bagay na mas magaling ka sakin… tulad ng Diner Dash sa www.addictinggames.com)
Ang hindi ko sinasabi sayo, at tinatago ko lang sa sarili ko ay ang pag iisip pa ng iba pang mga bagay, surpresa at balita na magpapasaya sayo. Ang hindi ko sinasabi sayo ay masaya talaga ako Mads na naririnig at nakikita na masaya ka- kahit na sa anung halaga pa po Mads.
Pag nagrereklamo ka tungkol sa mga bagay na walang pinanggalingan at patutunguhan naman ay OK lang. Nararamdaman ko na mahal mo ako. Nararamdaman ko na iniisip mo ako. Kung anung mangyayari o nangyayari sakin. Alam ko na kung meron mang mangyari ay unang una kang mag aalala. Inaaway mo ako kasi minsan akala mo nambababae ako. Ok lang yun sakin. Ang gwapo pa din pala ng pagtingin mo sakin. Para sayo eh may katas pa ako makapang akit ng ibang babae bukod sayo. Salamat… Pero wag kang mag alala. Ikaw ang babae ko. Ikaw lang po. Kung anumang katas at hanggang sa pagtuyot ko eh para sayo lang ako. Sige lang, pwede ka maging paranoid kasi alam kong pinagdadamot mo ako. Sakin ok lang yun. I think it’s sweet. Wag mo lang abusuhin kasi baka minsan naman ay maisip ko wala ka nang tiwala sakin. Pagmamahal at tiwala. Parang ikaw at ako. Di dapat naghihiwalay.
Nung nag propose ako sayo eh hindi ko alam na magiging ganito pala to. Hindi ko alam na ang ibig sabihin pala ng pagmahal ng isang tao ay ang pagpapaligaya sa kanya. Ang pagpapaligaya sa kanya ang magdadala ng totoong ligaya sa sarili. Hindi ko alam na ang tunay na pagmamahal ay ang pag-isip sa mahal mo bago mo isipin ang sarili mo. Ang ganito pala ay hindi tungkol sa kung magiging masaya ako… ito pala ay kung sa magiging masaya ikaw. Ikaw po Mads…
At alam mo yung ginagastos ko para makausap ka? Wag mong isipin na para sayo yun. Wag mong isipin na nakikita ko yun na pag gastos ko para sayo. Nakuha… sobra ka na. Para sakin yun. Para sa kaligayan ko yun. Kasi naman, gusto ko talagang naririnig palagi boses mo. Lalo pag nagigising kita… Ang cute! Pag napapatawa kita, pag nagjojoke tayo sa phone, pag nagpaplano, pag umiiyak ka, pag umiiyak ako, pag naguusap tungkol sa negosyo at iba pang mga bagay bagay… Basta pag alam kong parang magkadikit lang ang tenga at pisngi natin habang nag uusap eh parang buo na ang araw ko.
Syet, love talaga kita.
Yan si Mads - ang brat kong girlfriend. Mahal na mahal na mahal ko!
